Fri 22 Jun 2007
Aking nahukay sa isang maalikabok na karton sa isang sulok ng aking silid ang luma kong kwaderno sa Filipino II (sa patnubay ni Ginoong Talegon) noong ako’y nasa mataas na paaralan sa Claret School noong Setyembre 1994. Ito ang nilalaman ng unang pahina:
Makikilala mo ang taong may bait sa kilos ng kamay at buka ng bibig.
Pananalangin
Isina-Filipino ni
Andres Cristobal CruzPanginoon,
Mangyari Po sanang:
Isara lahat nang nakabukas,
Ibukas lahat nang nakasara.Lahat silang malaon nang tumanggap,
hayaang sila’y magbigay.
Lahat silang malaon nang magbigay,
hayaang sila’y tumanggap.At silang malaon nang hiwalay,
hayaang sila’y magkaisa.
At silang malaon nang magkaisa,
pahiwalayin sila.Panginoon,
Ang marurunong hayaang minsa’y
maging mangmang,
At ang mga mangmang, hayaang
magsabi ng nasa isip.Panginoon;
Kasihan ang malaon nang pinagkaitan,
Ang hindi pa ganap,
Bigyan ng kaganapan.Amen.
Kumusta at nasaan na kaya ngayon si “Ginoo”?
I could not for the life of me remember the entire prayer. I was never able to memorize it. I always just lip-synced towards the end each time we recited it at the beginning of the class/subject.
July 4th, 2007 at 9:20 PM
Nangilabot ako when I read it again. Thanks for this pare. I remember, ito yung prayer that we say before the start of our Filipino class. Ahahahaha! Grabe, more than 10 years na pala ito. Haaaaayyy, those were the days. I wish we could turn back time. Yung mga oras na puro tawanan lang at istambay kung saan saan at walang masyadong problema. The typical life of a styudeynt. More than a decade has passed and here we are, ang daming problema at mga struggles na hinaharap sa mundo…
February 3rd, 2010 at 10:33 PM
found it!
very nostalgic ano? brings back memories from our heydays…
i guess time really flies…
anyway, your site is interesting… just browsed through your posts and links… keep it up!
God bless you and your family EJ!